Search
  • Joy Repol Asis

Away sa parking AKTOR, NANAPAK

ARESTADO ang aktor na si Alec Baldwin matapos manapak dahil sa agawan sa parking space sa New York.

Ayon kay New York Police Department Lieutenant John Grimpel, nagtamo ng injury sa kaliwang panga ang 49-anyos na biktima ni Baldwin.

Agad dinala sa istasyon ng pulisya ang aktor na nahaharap sa kasong assault and harassment.

Samantala, tumanggi itong magbigay ng pahayag ngunit, sinabi nitong handa siyang harapin ang isinampang kaso kasama ang kanyang abogado.

Sa pahayag ng biktima, nauna siyang dumating sa parking space ngunit, agad siyang kinompronta ng aktor na nauwi sa pagtatalo at panununtok nito sa kanya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.