Wanted na rapist nasakote
Pabs Hernandez III
Nov 3, 2018
1 min read
QUEZON—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Silanga, Quezon sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Mariano Bongcales, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad si Bongcales sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Hindi nanlaban ang suspek nang arestuhin ito ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments