Naligo sa irigasyon nalunod
- Pabs Hernandez III
- Nov 3, 2018
- 1 min read
ILOCOS NORTE—Isang binata ang namatay nang malunod habang naliligo sa irigasyon ng Bgy. Parparuroc, Vintar sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Nixon Domingo, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang naliligo ay napagawi sa malalim na bahagi ng irigasyon ang biktima kaya ito nalunod.
Agad sumaklolo ang mga residente at dinala ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments