Search
  • BULGAR

MAYWEATHER AT UFC BOSS, PINAGMITINGAN SI KHABIB


PAPAYAG naman kaya si Floyd Mayweather Jr., na idaos sa loob ng octagon ang laban niya kay Khabib Nurmagomedov?

Una kasing pinipilit ni UFC boss Dana White na dapat ay sa loob ng octagon magtuos ang dalawa at hindi sa boxing ring bagamat nagkita na sila ni May­weather at pinag-usapan nga ang bagay na ito.

Pero una pa ring hindi naniniwala si UFC president Dana White sa posibilidad na matuloy ang bakbakan nina Nurmagomedov at retired champion na si May­weather Jr. “I don’t think it’s going to happen. I don’t think the fight would happen in the UFC, but they didn’t say no,” ani White.

Subalit napag-usapan na nila sa pulong ng team Mayweather sa Los Angeles ang promosyon sa undefeated boxer sa UFC. “I actually had a meeting in Los Angeles about this,” ani White. “I don’t want to say anything that makes it sound like, ‘Oh wow, this could happen.’ But we had talks yesterday.”

Malaking pera lang daw kasi ang nais ni Mayweather, ayon kay White sa pagnanais na makasagupa ang UFC fighter. Tahimik lamang muna ngayon ang team ng Mayweather. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.