Search
  • Pabs Hernandez III

Kelot dedbol sa motorsiklo

PANGASINAN—Isang lalaki ang namatay nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Matic-Matic, Sta. Barbara sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Villota, nakatira sa nasabing barangay.

Nabatid na tumatawid umano sa kalsada si Villota nang mabangga ito ng motorsiklong minamaneho ni Mortin Marmol, nakatira sa Bgy. Tebag sa naturang bayan.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nabagok sa sementadong kalsada ang ulo ni Villota na naging dahilan ng kamatayan nito, samantalang, nakapiit na si Marmol na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.