Kaya mas better kung may sarili itong lagayan, momshie! PATATAS NA NASA REFRIGERATOR, PRONE SA CANCE


MAHILIG ka bang maglagay ng patatas sa inyong refrigerator? Naku, alam mo ba na maaari itong maging sanhi ng cancer? Hala!
Ayon sa mga eksperto, ang malamig na temperatura na mayroon ang refrigerator ay kayang mag-convert ng starch sa patatas upang ito ay maging sugar.
Kaya kapag nailuto na ito sa pamamagitan ng pagpiprito at pagbe-bake sa temperatura na lagpas sa 250ºF, ang sugar na nahalo sa amino acid asparagine ay nagpo-produce ng kemikal na acrylamide.
Ang acrylamide ay ang kemikal na ginagamit sa paggawa ng papel, plastic at pintura.
Gayunman, upang mapatunayan ang pag-aaral, nagsagawa ang mga eksperto ng eksperimento kasama ang mga daga kung saan natuklasan nila na ang patatas na inilagay sa ref ay maaari palang maging sanhi ng kidney, endometrial at ovarian cancer.
Kaya naman inirerekomenda ng mga eksperto na kung magtatabi tayo ng mga patatas, mas mabuti na ilagay na lamang ito sa pantry o kabinet, gayundin, ang pagluluto sa mga patatas sa loob ng mas mababang temperatura ay nakabababa ng acrylamide content.
Kaya mga beshy, iwasan na ang paglalagay ng mga patatas sa ref upang maiwasan ang pagkakaroon ng kanser.
Okie?





Comments