Search
  • BULGAR

Katas ng milyun-milyong talent fee, Alden… MAINE, NAGPAPATAYO NA NG 2-STOREY MANSION

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

SA dinami-dami ng product endorsements ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza, hindi na nakapag­tataka kung magagawa na niyang ipatayo ang kanyang dream house.

Isa raw itong pasabog at bonggang-bonggang two-storey mansion, na sa terrace pa lang ay yayamanin na ang porma.

At may swimming pool ito, may movie house at malawak na garden!

Namimili na ng mga materyales para sa pagsisimula ng construction ng dream house ni Yaya Dub. Ang mga kinita niya sa kanyang product endorsements, TV shows at pelikula ay ipinamamahala ni Maine sa kanyang mama na isang accountant. At alam ni Maine na maayos naman itong iingatan ng kanyang ina.

Pero, hindi naman pinagdadamutan ni Maine ang kanyang sarili kapag may gusto siyang bilhin na magpapasaya sa kanya. May sarili siyang budget para sa personal niyang pangangailangan.

Anyway, may mga fans ang AlDub love team na nagri-request na sana raw ay mai-guest naman si Alden Richards sa Jack Em Poy: The PulisCredibles na entry nina Bossing Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza sa 2018 Metro Manila Film Festival para sumaya naman ang AlDub Nation!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.