HOROSCOPE | NOBYEMBRE 3, 2018 (Sabado)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 3, 2018 (Sabado): Ang taglay mong lakas ay mas malakas pa kaysa sa pangkaraniwan, kaya ikaw ay itinalaga ng iyong kapalaran para sa mas mataas na katungkulan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito na ang araw na iyong hinihintay kung kailan madali mo ng magagawa ang mga plano mo na naantala dahil sa paghihintay mo sa masusuwerteng araw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-18-20-24-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang maniwala sa iyong nadarama na hindi ka papalarin. Madalas ay dinaraya ng tao ang kanyang sarili dahil sa mga negatibong pakiramdam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-16-18-21-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Ipinapaalala sa iyo na isa-isa lang ang dampot ng mga suwerte. Hindi lahat ay kayang hawakan ng mga kamay. Kapag ipinilit mo na makuha ang mas marami, masasayang lang ang mga ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-28-30-31-32-34.
CANCER (June 21- July 22) - Kumilos ka nang naaayon sa gusto mo dahil ngayon at sa ilan pang mga araw na darating ay papabor sa mga hangarin mo, lalo na ang pagpapaunlad mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-25-38-45-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit marami kang problema, gawin mo pa rin ang obligasyon mo na pasayahin ang malalapit sa buhay mo. Sa ganito, matutuwa ang langit at daragdagan Niya ang mga biyaya mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-19-28-30-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang kilos na nasasayang kapag nagsilbi itong puhunan sa pagpapalago ng kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-16-21-24-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tulak ng bibig, kabig ng dibdib, ginagamit lang ba ito sa pag-ibig? Hindi, dahil puwede mo rin itong gamitin sa pagkukunwaring malungkot ka, pero sa totoo ay sobra ang saya na iyong nadarama. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-17-28-30-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tinatangay ng hangin ang mahihina. Gayundin, ang tao ay natatangay ng mga mahihina. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-37-40-44-48.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na hindi magtatagal at tataas din ang ranggo mo sa buhay. Pero, mas matutuwa ang mga nakaasa sa iyo para sila ay mabuhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-22-26-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag marami kang oras sa pagtatrabaho, mas marami kang kikitain. Huwag mong palagpasin ang araw na ito kung kailan maganda ang takbo ng iyong negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-17-20-22-25-31-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayong papalapit na ang kapaskuhan, napapansin mo bang sumasaya ka? Ito ay pahiwatig na ang mga suwerte mo ay mas marami kaysa noong nakaraang taon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-19-23-26-40-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng magpatalo sa mga negatibong kaisipan. Sa mundo ng pantasya, naroon din ang mga nakatatakot na nilalang, pero ang nagwawagi ay ang mga nasa panig ng kabutihan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-12-27-39-45.




Comments