Search
  • Nitz Miralles

Walang takot sa GF ng aktor… SOPHIE, GAME NA GAME KAY ROCCO

SI Sophie Albert ang tinatawag na “biggest revelation on television this year” dahil sa mahusay na pagganap sa role na Amber Roces sa Pamilya Roces. Hindi akalain ng mga viewers na kering-keri niya ang magbida-kontrabida at mag-comedy lalo’t newcomer lang siya at ilang TV shows at pelikula pa lang ang nagagawa.

Sa Pamilya Roces, napapa­nood na “malandi” at pa-sexy sa kilos at mga suot si Sophie at pu­mayag maging kabit, ibang-iba sa tunay na buhay. Nang ma-interview namin si Sophie, tahimik lang siya, sim­ple ang suot at walang make-up.

Pumayag siya sa kissing scenes at bed scenes kay Rocco Nacino. Nang matanong kung naseseksihan ba siya sa aktor, “Yeah, I can see that he’s confident and very comfortable with himself. I find his nice smile the sexiest part of his body,” sagot ni Sophie patungkol kay Albert (Rocco).

Natawa si Sophie sa tanong kung hindi ba siya takot na pagselosan ng GF ni Rocco.

Wala raw dapat ikabahala si Melissa Gohing dahil may BF din siya, si Vin Abrenica na hindi seloso.

Yayamanin ang pamilya ni Sophie at related siya kay Kris Aquino, pero wala silang time na mag-bonding. Basta alam nilang related silang dalawa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.