Search
  • Pabs Hernandez III

Magsasaka tiklo sa shabu

NUEVA ECIJA—Isang magsasaka ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Sto. Rosario, Zaragosa sa lalawigang ito.

Nakilala ang suspek na si William Martinez, residente sa nabanggit na barangay.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

Nakapiit na si Martinez at sinampahan na siya ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.