Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 1, 2018 (Huwebes)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 1, 2018 (Huwebes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte kahit pa ma­dalas ay hindi mo ito pina­hahalagahan. Ito ang men­sahe ngayong araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magpakumba­ba ka dahil ang mga ganitong klase ng tao ay iniaangat ng langit. Bibigyan ka ng mga suwerte na ipinanga­ko sa mga nagpapakaba­ba. Kaya muli, huwag kang maging mayabang. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-4-9-20-21-26-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga negati­bong pananaw na naglalabas-ma­sok sa iyong isipan. Isi­pin mo na mga panakot lang ito ng iyong mga kaaway. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-18-20-24-32-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Magmadali ka nang sa gayun ay marami kang makuhang biyaya. Puwe­de ka ring maging marahan, kaya lang kaunti lang ang mapasasakamay mong mga grasya at dahil dito ay mang­hihinayang ka. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-21-24-32.

CANCER (June 21- July 22) - Mag-ingat ka dahil ilalagay sa harapan mo ang mga mapagkunwari na may itinatagong masa­mang motibo sa iyo. Hu­wag mong kalilimutan na ang nagsasalita ng ma­ga­­gan­da ay kadalasang nang-uuto lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-28-30-31-37-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag­plano kang ma­buti. Hindi u­ubra ngayon ang masyadong malakas ang loob at ang sobra-sobrang pagtitiwala mo sa iyong sarili. Ang nagpa­plano ay may mas mala­king tsansang makuha ang kanyang gusto. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-6-11-17-32-39-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong kalilimutan na ang pag-aalin­langan ay walang magan­dang naidudulot sa buhay ng tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-21-22-25-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Susubukan ka ngayon ng iyong kapala­ran, kapag inayawan mo ang alam mong hindi ma­ganda ang regalo sa iyo ng langit ay naglala­ki­hang magagandang ka­pa­laran. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-5-14-16-28-30-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi pa umaalis ang mga suwer­teng para sa iyo. Naghi­hintay lang ito na mata­pos mo ang mga walang kuwentang aktibidad na ginagawa mo. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-21-27-30-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli, ka­hit mag-isa ka lang ay kaya mong magtagumpay sa buhay. Pero, kung gusto mo ng kaagapay ang sabi ng kapalaran mo, ngayon ay bibigyan ka niya ng mga pagpipilian. Masu­wer­­teng kulay-purple. Tips sa lotto-18-19-26-28-36-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagdara­ti­ngan na ang masasayang araw kung kailan hindi mo mabibilang ang napa­karaming suwerteng ma­pa­sasaiyo. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-24-26-38-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit mo pa hinaha­nap ang nagbigay sa iyo ng kalungkutan? Ang hanapin mo ay ang magbibigay sa iyo ng kali­gayahan. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-19-29-31-32-36-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwe­deng wala kang gi­na­­gawa o hin­di kumikilos ang iyong ka­tawan. Mas magan­dang tumayo, umupo at magla­kad ka nang sa gayun ay buwenasin ka naman. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-20-28-31-36.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.