Helicopter bumagsak, 25 patay
Joy Repol Asis
Nov 1, 2018
1 min read
DEDO ang 25 katao na kinabibilangan ng mga crew at pasahero, matapos bumagsak ang isang helicopter ng Afghan army sa timog-kanlurang bahagi ng Afghanistan.
Ayon sa tagapagsalita ng gobernador ng Farah province na si Naser Mehri, dalawang army helicopters ang papunta sana sa kalapit na Herat province nang mawalan ng kontrol ang isa bunsod umano ng masamang panahon.
Gayunman, sa pahayag ng grupong Taliban, pinabagsak umano ito ng mga militante.





Comments