top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dalagang soon to be single mom kaya dehins knows kung paano bubuhayin ang anak

  • ROMA AMOR
  • Nov 1, 2018
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Red, 22 years old. Gusto kong humi­ngi ng payo sa iyo dahil nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Nabuntis ako ng boyfriend ko at hindi siya handang pa­na­gutan ako, kaya hiniwa­layan niya ako. Ipina­alam ko kaagad sa mga magulang ko na buntis ako, pero ang sabi ng mama ko ay ipalaglag ko na lang daw ang dinadala ko. Noong sinabi ko sa mama ko na ayaw kong ipalaglag ang bata, si­nabi niya na hindi na raw niya ako kikilalanin bi­lang anak. Anong gaga­win ko, Roma? Pa­ki­ramdam ko ay mag-isa na lang ako, sana ay ma­tulungan ninyo ako. Maraming salamat! — Red

Red,

Nakahahanga ang iyong katapangan na ipaglaban ang iyong anak, sis! Ngunit, tala­gang mahirap ang pinag­daraanan mo ngayon, kaya naman ang maipa­payo namin sa iyo ay ang tatagan mo pa ang iyong loob nang sa gayun ay malampasan mo ang pag­subok na dinaranas mo. Huwag kang matakot ma­ging single mom dahil paniguradong bibigyan ka ng Diyos ng lakas upang tumayong ama at ina sa magiging anak mo. Gawin mong inspi­ras­yon ang dinadala mo upang mas maging ma­lakas ka. Kaya mo ‘yan! God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page