Search
  • BULGAR

Dahil sa sakit sa puso… RICO J., PUMANAW NA SA EDAD NA 65

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

NAGLULUKSA ang showbiz at music industry sa pagpanaw kahapon (October 30, 2018) ng tina­guriang OPM legend at Total Performer na si Rico J. Puno sa edad na 65.

Ayon sa anak na babae ni Rico J. na si Tosca, bandang 1:56 AM pumanaw ang magaling na singer-performer sa St. Luke’s Medical Center Global City Taguig dahil sa heart failure.

Matatandaang sa nakalipas na tatlong taon, dumaan na sa dalawang major heart operations si Rico J. at nu’ng 2015 ay na-open heart surgery na ito.

Ganunpaman, may mga naka-line-up pang concerts si Rico J. tulad ng Music and Laughter: Sana Tatlo ang Puso Ko na gaganapin sa Nov. 23 kung saan kasama niya sina Giselle Sanchez at Marissa Sanchez. Pero dahil sa nangyari kay Corics (palayaw ni Rico J.), antabayanan na lang daw ang mga pagbabago sa concert, ayon kay Giselle.

Bumuhos naman ang paki­ki­ramay ng mga kasa­mahan ni Rico J. sa showbiz sa biglaang pagpanaw ng singer na nakilala dahil sa naughty punchlines niya sa kanyang mga performances.

Ilan sa mga nag-post sa Instagram ng heartwarming messages para kay Rico J. ang mga sumusunod:

John Estrada, “Gusto kong magpasalamat sa Diyos at sa ABS-CBN sa pagkakataon na binigay sa akin na maka­sama ka sa show at makilala ka ng lubusan.... isang taong henyo sa komedya at alamat sa kantahan ... mami-miss ko ang mga nakakatawa mong jokes at minsan, eh, wala rin namang kwenta

“.... parati ko sinasabi sa ‘yo na ikaw lang ang inidolo ng kapatid kong bunsong lalake na namatay na rin nu’ng bata pa siya dahil ang paborito niyang kanta ay ang “Macho Gwapito”....

“naalala ko na minsan antok na antok ako sa taping natin at inofer mo ang condo mo na malapit sa ABS para maka­pagpahinga ako kahit sandali lang... napakama­aalahanin mong tao... at para sa akin ‘di pa uso ang por­mahan na walang medyas ang sapatos e ... pinauso mo na ...

“nawalan ng isang alamat ang OPM sa pagpanaw mo yangku .... nawalan kame ng mahal na kapatid at kaibigan sa industriya ...magpahinga ka na yangku Rico .... mahal ka namin .... mahal kita at higit sa lahat mami-miss kita at ang matindi mong mala-anghel mong boses .... maraming salamat yangku Rico ....RIP ....#IYAKAKO ... #VERYSADDAY

Giselle Sanchez, “Goodbye my friend @ricojpuno. I will miss your jokes and laughter... To everyone we will update you on what will happen to our concert on Nov 23,2018 at the Theater of @solaireresort . For now may I request you to offer a prayer for the eternal repose of the soul of Mr. #ricojpuno #ricopuno

Direk Rowell Santiago “Philippines’ Total Entertainer takes his Final Bow...Rest in Peace Rico J.”

Marissa Sanchez, “I am dumbfounded at the moment. I am still awake, since i am learning the song “MAGKASUYO” for our DUET! plus i am also preparing for my bday & 25th anniversary in the industry show on Nov 30. I got this news just now from my best­friend @jessazaragoza thru the account of our dear frnd Anna Puno! We just had our prescon very recently & He was so alive and much better! This really gave me a big shock and grief bcoz i expected too much dat he really got a lot better...compared during our pictorial & i just don’t know what to say ryt now! It’s our big concert at Solaire w/ @gisellesanchez on Nov. 23 and now i also feel like dying.”

Jett Pangan, “It’s a very sad day. RIP, Tito Rico J...”

Gary Valenciano, “Rest in His peace kapitan. I’m in total shock at this news.”

K Brosas, “Total entertainer... yan ang tawag kay rico j. Puno.. tama naman dahil hindi lang basta kumakanta, talagang performer... magkasama lang tayo 2 weeks ago SA show.. tulad ko makulit At sensya na mejo “naughty” ... pero yan ang style nya na nakasanayan na NG lahat.. yan ang hinahanap NG tao... komedyante na At magaling na singer.. konsehal... hurado.. host.. at napaka swerte ko kc ilang beses na kami nagkasama SA mga concerts at shows..

“nanalo pa nga kami NG award matagal na bilang “best performance (collaboration) in a concert” .. na hindi ko makakalimutan kc natawa kami dahil walang script at kulitan lang ang concert na yon pero nanalo.. maharot sa entablado At kaibigan At masaya kasama.

“SA totoo lang hindi lahat kaya syang sakyan dahil SA kanyang kaharutan.. pero yon ang hindi ko maka­kalimutan SA kanya, malamang dahil ganon din ako,. Salamat SA mga alaala corics, sa mga KLASIK Mong mga kanta na binigyan mo ako NG pagkakataon na ma­kanta kasama mo. Macho gwapito, Salamat SA kulitan. Mami-miss ka NG lahat dahil nag iisa ka. “Ang iyong pagdaramdam, Idalangin mo sa Maykapal, Na sa puso mo ay mawala nang lubusan” — MAY BUKAS PA”

Eugene Domingo, “Ang galing, ang bait, ang cool! Ikaw yan. Salamat sa pagkakataong nakasama kita sa peli­kulang #instantmommybilang tatay ko! Natural kang artista at performer. Mabuti at nasabi ko sa iyong isa kang icon at idol ka ng lahat ng nakakaintindi ng OPM, orig ka kasi! Nasabi ko naman sa iyo lahat yan pati yung - ang husay ng pagkanta mo ng “Paraluman” ng eraserheads. Isang masigabong palakpakan sa iyo, ‘tay. Salamat. Rest in peace, the #ricojpuno

Ai Ai delas Alas, “REST IN PEACE KUYA RICO .. salamat sa mga nakakatawang pag sasama naten .. ayan dapat may show pa tayo sa feb 13... nabawasan nako ng partner sa show .. GOD bless your soul kuya..”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.