BLAZE SPIKERS AT GIGA HITTERS, UMARIBA SA PSL OPENING


UMAATUNGAL ang simula ng reigning champion Petron at Smart nang lapain nila ang kani-kanilang kalaban sa opening salvo ng Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Giniba ng Blaze Spikers ang Cocolife squad, 25-18, 25-15, 25-18, habang ang Giga Hitters ay pinahilahod sa 25-20, 25-19, 25-23 victory para sa simula ng kampanya ng title-retention bid.
Tumapos si Aiza Maizo-Pontillas ng 14 points habang si Ces Molina, na nakarekober mula sa stress fracture injury ay may 10 markers at 14 digs para sa Blaze Spikers, na tila preparedo at handa sa prestihiyosong club tourney.
Samantala, nagtala ng debut 13 points si Cocolife Filipino-American recruit Kalei Mau at11 digs. Pero lahat nakaabang sa Giga Hitters. Makaraan ang mahabang pahinga, ipinakita ni Gretchel Soltones ang lakas ng kanyang laro nang tumingkad siya sa Smart, na kasama ring ipinarada ang mga ka- team na handa rin sa bakbakan.
Nakapag-ambag si Soltones, dating San Sebastian College star, ng game-high 17 points upang dominahin ang spike department sa opening salvo ng laban na isinasaere ng ESPN5. “I’m very happy to be back after one year,” ayon kay Soltones, na naging bahagi ng national team sa AVC Asian Women’s Cup nitong Oktubre. “We’re very happy to play in a high-level tournament.”
Pumatas pa ang Smart sa 19-all at pagdating ng 3rd set nang umiskor ng limang diretsong puntos para itala ang kalamangan na 24-19. Nagbanta pa ang Sta. Lucia ng isang puntos para sa 23-24 pero naglunsad si Soltones ng malakas na atake para sa game-winner. Ikinatuwa naman ni Smart coach Roger Gorayeb, na nagbalik sa liga matapos ang limang taon ang tagumpay nilangsimula.
“I’m happy with the win, we’ve prepared for this and I want all of my players to gain confidence as early as today,” aniya.
Tumapos naman si Team captain Pam Lastimosa ng eight points para sa Sta. Lucia na naglaro katuwang ang key players na sina Chin Basas and Filipino-American star MJ Philips. (VA / MC)





Comments