Search
  • Joy Repol Asis

189 ang sakay | EROPLANO BUMAGSAK

Agad sinimulan ang search and rescue operation matapos ang pagbagsak ng Lion Air passenger plane na kate-take-off lamang sa Jakarta, Indonesia.

Ayon sa search and rescue team, 189 katao ang sakay ng eroplano kabilang ang dalawang sanggol at walong crew members.

Sinasabing nawalan ng contact ang Boeng 737 plane, labintatlong minuto lamang ang nakalipas matapos itong mag-take-off pasado alas-6:00 kahapon nang umaga at hindi nakapag-landing sa Bangka-Belitung Hub.

Ayon sa chief executive ng Lion Air Group na si Edward Sirait, hindi muna sila magbibigay ng pahayag tungkol sa insidente hangga’t nangangalap pa sila ng mga impormasyon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.