Search
  • BULGAR

Dehins lang daw ito panghimagas, besh! PAG-AALMUSAL NG ICE CREAM, NAKATATALINO!

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

WALANG ibang laman ang refrige­rator pagkagising sa umaga kundi ice cream? Oks lang ‘yan, lodi, dahil knows ba ninyong ang ice cream ay keri ring pang-al­musal? Wow!

Ayon sa mga siyenti­piko sa Japan, na­kabubuti raw umano ang pagkain ng ice cream sa umaga dahil nakabu-boost ito ng ating utak kung saan mas nagiging matalino tayo.

Sinabi ni Yoshihiko Koga, professor mula sa Tokyo’s Kyorin Univer­sity, na ang mga mala­lamig na pagkain umano ay may naidu­dulot na ma­ganda sa ating mental ca­pacity.

Gayunman, upang mapatunayan kung epek­tibo nga ba ang ice cream ay nagsagawa ang mga eksperto ng eksperimento kung saan pinakain nila ang mga tao nito.

Lumabas sa ekperi­mento na ang mga taong ginawang almusal ang ice cream ay na-increase ang high-frequency Alpha waves na nagresulta sa pagiging masigla at na-reduce ang kahit anu­mang mental ir­ritation na kanilang nararam­daman.

Samantala, sinubukan din nilang painumin ng malamig na tubig ang mga ka­lahok, pero ka­hit na nakapag­dulot din ito ng pagiging alerto ay ang ice cream pa rin ang pinaka­epektibo at ma­bilis.

Pero, ang payo ng mga dalubhasa kung ka­kain ng ice cream sa umaga o maging sa bu­ong araw, huwag kalili­mutang uminom ng ma­raming tubig dahil kung hindi, maaari kayong magkaubo o magka-ton­sillitis.

Oh, ayan para sa mga ice cream lover diyan, may ex­cuse na kayo kina nanay at tatay para maka­kain ng malamig, masarap at ma­tamis na ice cream sa umaga. He-he-he!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.