Search
  • MC / Alvin Olivar

ACID TEST SA BATANGAS VS. SAN JUAN BULACAN KONTRA MAKATI SA MPBL


MATAPOS ang roller coaster ride na kalagayan sa MPBL Datu Cup, ang muling pagsalang ng defending champion Batangas City Athletics-Tanduay ay muli na namang mararamdaman ang tikas kasunod ng back-to-back victories.

Ang nakaraang panalo kontra finals rival ng nakaraang season na Muntinlupa Cagers-Angelis Resort ay patunay na ang Athletics ay nakabalik na sa momento. Mahaharap sila sa mas malaking pagsubok ngayong Martes ng gabi kontra sa San Juan Knights sa Batangas City Coliseum.

Ang laro ay magsisimula ng 9 p.m. pagkaraan ng eksplosibong engkuwento sa pagitan ng Bulacan Kuyas at Makati Skyscrapers ng 7 p.m.

Kasunod ng huling panalo kontra Muntinlupa, pinag-ibayo pa ng Batan­gas ang card sa 6-6. Ang Knights na suportado ng Go-For-Gold ay may hawak na 10-2 win-loss mark, kalahati ng laro sa likod ng tournament leader na Bataan Risers.

Nanggaling ang The Randy Alcantara-mentored team sa back-to-back victories at pakay na palawigin ang momentum.

Exciting sa fans ang mga laro ni Teytey Teodoro, ang tinaguriang ‘deadly shooting guard’ ng Batangas City kontra San Juan. Ang curtain raiser sa double header ngayong Martes ay appetizer sa main game.

Bagamat ang Bulacan ay may hawak na 8-4 record at bahagyang lamang sa Makati (7-4), parehong kakasa ang mga ito sa kani-kanilang mga katapat.

Ang Mighty Sports-Kuyas ay ginapi ng Bataan noong nakaraang linggo habang ang Skyscrapers ay pinadapa ang Lanterns ng Pampanga. Kakasa ngayon ang nabanggit na mga nagwagi at magdadaigan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.