- BULGAR
Worried dahil madalas kapusin ng hininga
SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC
Dear Doc. Shane,
Ako ay 63 years old at lately, kapag umaakyat ako ng hagdan ay nahihirapan ako sa paghinga. Gayundin, kahit sa paglalakad ng malayo ay hirap ako sa paghinga. May kaugnayan kaya ito sa mataas kong kolesterol?— Gilbert Puno
Sagot
Ang pagkakataon kung saan nahihirapan tayo sa paghinga ay tinatawag na chronic dyspnea na kadalasang tumatagal ng mahigit isang buwan ngunit, depende sa tugon ng katawan. Gayunman, kung mas malala ito kaysa inaasahan, maaaring ito ay sintomas na ng sakit. Gayundin, kadalasan ito ay epekto ng hika, sakit sa puso at myocardia ischemia (ang kawalan ng oxygen nang dahil sa pagbabara ng arterya), sakit sa baga, pulmonya at pneumonia.
Gayunman, ang pagkakaroon ng mataas na cholesterol ay hindi sakit ngunit, sintomas ito na posibleng humantong sa sakit sa puso, atake sa puso, stroke at ang problema sa sirkulasyon na tinatawag na peripheral vascular disease.
Ang sakit sa puso o heart disease ay ang pangkalahatang tawag sa mga karamdaman na may kaugnayan sa puso at pagdaloy ng dugo na may dalang nutrisyon papunta sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang sakit sa puso ay tinaguriang silent killer dahil may mga sintomas itong hindi agad napapansin kaya kadalasan, hindi napapansin ng mga tao na may problema na sila sa puso kahit may mga sintomas na.
Gayunman, kung ang sitwasyong ito ay madalas at palagi mo nang nararanasan, makabubuti kung agad ka ng magpatingin sa doktor upang mabigyan ka ng iba pang payo tungkol sa iyong nararanasan, gayundin upang malaman ang sanhi ng iyong hirap sa paghinga. Maaaring magpa-x-ray o magpa-ECG (electrocardiogram). Gayunman, ang pinakamahalaga ay kailangan nating tulungan ang ating sarili. Kung tayo ay naninigarilyo, itigil na ito, gayundin iwasan na ang iba pang mga bagay na magdudulot ng iyong hirap sa paghinga at sundin kung anuman ang payo ng doktor.