Munting paru-paro Ni : Aling Toyang


Minamasdan ang iyong kagandahan,
nakikita kita kahit saan man ako mapadaan.
At ang pagmasdan ka ay nakagagaan talaga ng pakiramdam.
Kahit kailan hindi ko naisip na maaari ka pa lang makalipad, matapos ang unos at hirap, malaya ka ng makita ang lahat.
Masaya ako dahil nabuhay kang muli sa katauhan ng isang
munting paruparong, masaya at masigla.
Paalam aking ama, ina, kapatid at kaibigan.
Sa ngayon, malapit ng gunitain ang iyong paglisan,
pero gagawin ito ng masaya at walang pag-aalinlangan
dahil alam kong maganda ang buhay mo riyan.
Hayaan mo, magkakatagpo rin tayo.
Mapupunta rin ako sa kinaroroonan mo,
kaya hintayin mo lamang ako.
Muli, mahal kita munting paruparo.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments