Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG MAKAPAG-ASAWA SA TAONG 2020

Maestro Honorio Ong

KATANUNGAN

  1. Ako ay isang teacher at sa edad kong 36 ay gusto ko ng mag-asawa, pero ang problema kahit may boyfriend ako ay mas bata siya sa akin ng tatlong taon at nasa abroad siya ngayon dahil isa siyang seaman.

  2. Ang sabi niya sa akin nu’ng huling pag-uusap namin, hindi pa raw siya handang mag-asawa at hindi pa raw siya nagsasawa sa pagiging binata.

  3. Itatanong ko lang, Maestro, sa palagay ninyo, mahal kaya ako ng lala­king ito at bakit kaya pa­rang wala siyang balak na mag-asawa, gayung lag­pas na sa 30 ang edad niya?

  4. Kailan kaya ako makapag-aasawa o baka na­man tatandang dalaga na lang ako, habambuhay tu­­lad ng ibang mga tiyahin ko sa probinsiya?

KASAGUTAN

  1. Hindi ka tatandang dalaga, Jenivie, sapagkat nag­tataglay ka ng dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, dalawang beses kang magkakaroon ng karelasyon at ang dalawang relasyong ito ay kapwa malalim at tumatalab. Ngunit, sa kabilang dako, ba­gama’t, maikli at medyo hindi kalinawan ang unang Marriage Line (1-M arrow a.) na nangangahulugang hindi nga gaanong magtatagal ang unang pakikipag­relasyon mo na maaaring nararanasan mo ngayon sa boyfriend mong nasa abroad. Kaya ang tanong, pang-ilan mo na ba ang kasalukuyan mong boyfriend ngayon?

  3. Kung una palang siya, sigurado na ang maga­ganap, hindi siya ang makatutuluyan mo (arrow a.) na siya ring nais sabihin ng bahagyang nagkabilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Larawan ng isang naunsiyaming pag-ibig upang pagkatapos, paglipas ng mga ilang taon pa, darating ang ikalawang lalaki sa buhay mo, (Dra­wing A. at B. 2-M arrow b.) na siya na ngang mapa­pangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang mas maligaya at panghabambuhay na pamilya.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Jenivie, tiyak ang magaga­nap, sa susunod na taong 2019, magkakahiwalay na kayo ng kasalukuyan mong boyfriend upang pagka­tapos, paglipas ng isang taon, sa taong 2020 sa gani­tong buwan ding papalapit na ang kapaskuhan, sa edad mong 38 pataas, magkaka-boyfriend kang muli sa katauhan ng lalaking nagtataglay ng initial na R. J. kung saan ang lalaking ito ang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang­habambuhay na pagpapamilya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.