- Clyde Mariano
GRASSROOTS NG ARNIS, LAGANAP NA SA PLAY ‘N LEARN SPORTS

KUNG napapasyalan at napanood ni Arnis Philippines president and chairman Juan Miguel Zubiri ang weekly Learn and Play Sports for Free tiyak na marami siyang matutuklasan na martial arts player na kanyang pinagsumikapan na palaganapin at nagbubunga na ito sa national level.
Marami nang Pinoy ang nahihilig at naglalaro ng arnis mula nang isinama sa mga sports na nilalaro tuwing Linggo sa sports activities na inilunsad ng Malacañang sa pamamagitan ng Executive Order na palaganapin ang palakasan sa bansa na pinangasiwaan ng Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez.
Hinirang ni Ramirez si coach Reynaldo Postrado upang turuan ng arnis ang mga enthusiasts nang rudiments of self defense sa loob nang dalawang oras.
Noong una kaunti ang lumahok. Ngayon dumarami ang nahihilig at gustong matuto ng arnis hindi lang pang-self defense at gumaling at makapaglaro sa Batang Pioy, Philippine National Games, PRISAA, Palarong Pambansa at mga torneo na tinaguyod ng Arnis Philippines.
“The reason arnis include in the Learn and Play Sports for Free ostensibly to promote and propagate arnis nationally and internationally like taekwondo, kungfu, judo, karate, jiu jitsu , and muaythai,” wika ni Ramirez.