Search
  • BULGAR

Babala ng experts... SOBRANG PAGGAMIT NG HAND SANITIZER, BAD SA HEALTH!

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

TAKOT sa bakterya kaya walang minutong hindi nag-spray ng hand sanitizer? Naku, stop mo na ‘yan, lodi! Dehins mo ba knows na hindi raw umano ito epektibo at maaari pang makasira sa inyong ba­lat? Hala!

Hindi ba, ginagamit lang ang hand sani­tizer para maging malinis at mai­wasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang bak­terya? Pero, paano kung ang naka­uga­liang paglalagay nito ay lalo lang nakasasama sa ating katawan?

Lumabas sa pag-aaral ng mga si­yentipiko, ang kadalasan umanong alcohol na inilalagay sa mga hand sanitizer ay isopropyl, ethanol at propanol.

Ang mga alcohol na ito ay ang mga nakada-dry umano kung saan maaari nitong mairita ang ating balat at malaki ang tsansa na magka­roon tayo ng dermamitis o iba’t ibang klase ng sakit sa balat.

Gayunman, nakaaapekto rin ang hand sanitizer sa ating resistensiya dahil sa antibiotic na mayroon ito na tinata­wag na triclosan, gayundin ang kemikal upang magkaroon ng amoy ang hand sanitizer ay nakasasama sa ating hor­mones kaya nagreresulta ito ng paghina ng immune system ng tao.

Samantala, sa pag-aaral noong 2000, natuklasan na ang hand sanitizer umano ay hindi naman siguradong nakata­tanggal ng bilang ng bakterya sa kamay dahil ito pa umano ang nagpaparami sa kanila.

Dagdag pa ng mga researcher, ang natatanggal daw umano ng hand sani­tizer ay ang natural oil sa ating katawan kung saan nababawasan nito ang pro­teksiyon na mayroon tayo.

Kaya sa mga lodi natin diyang hindi na mabilang ang paglalagay ng hand sanitizer, hinay-hinay lang dahil imbes na mabawasan ang dumi sa inyong mga kamay, baka lalo pa itong dumami at kumalat. Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.