Search
  • BULGAR

Todo-patutsada pa rin daw na bakla ang co-singer… JK, GUSTO NANG PATAYIN NG KAMPO NI DARREN

Len Ramos Llanes / ISKUP

TILA wala kaming nakikitang ending sa feud ng dalawang bagets na sina Darren Espanto at JK Labajo na nagsimula sa tweet daw ng huli na “Gayness at its finest” na sinasabing patama sa una. Lately kasi, sumali na rin ang daddy ni Darren.

Of course, medyo dehado rito si JK, kasi namatay na ang nanay nito at nasa panga­ngalaga na lang siya ng kanyang lola.

Although idinenay na ni JK ang naturang tweet and said na-hack lang ang kanyang account, Darren doesn’t believe him. May hamon pa si Darren na dadalhin ito sa korte.

Lately however, nag-post ng kanyang picture sa Instagram si JK kung saan naka-wig ito at naka-makeup pa. May caption itong: “Crush Kita.”

Later, nag-comment ito ng “Bakla ako.” For whatever purposes it serves, ayun, lalong nag-init si Darren.

Nu’ng Martes (October 23), tila nag­patutsada rin si Darren na tiyempong naka­suot ng Harry Potter costume para sa isang taping sa Studio 10 ng ABS-CBN.

Ang caption na inilagay ni Darren: “Baka gusto mong ma-Expecto Patro­num diyan, eh.”

Ang “expecto patronum” ay isang defensive charm na ginagamit ng mga wizards bilang proteksiyon laban sa masasa­mang elemento sa fictional world ng tanyag na novel/film franchise na Harry Potter.

Sa comments section ng post ni Darren, may netizen na nagsabing gamitan ng “avada kedavra” o isang magic spell na naka­ma­matay ang ‘di pinangalanang per­sonalidad.

Sagot naman ni Darren, “‘Wag niyo naman siyang patayin agad. Sabi nga ni Selena, ‘Kill them with kindness.’”

Ang tanong, kelan kaya matatapos ang patutsadahan ng dalawang bagets na ito? Sino kaya ang mananalo? At sino nga ba sa kanila ang berdaderong bading?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.