Search
  • Nitz Miralles

Oks sa ‘yo, Dingdong… MARIAN, HANDA RAW IWAN ANG SHOWBIZ!

ANG bilis ng Beautederm dahil katatapos lang ng press­con/launching kay Marian Rivera bilang endorser ng Reverie by Beau­tederm Home, nakataas na agad ang dala­wang billboards ng aktres. Tiyak na masusun­dan pa ng ilang billboards ang naunang dalawang billboards dahil four billboards yata ang nakita namin sa presscon/launch.

May paliwanag si Beau­te­derm Corporation President and CEO Rhea Ani­coche-Tan kung bakit “Reverie” ang ipinangalan sa home products na ini-endorse ni Marian.

“Reverie is actually a play of words between Marian’s maiden last name and my nicknames “Ri” and “Rei”, also the concept of the brand’s desired effect to its users- to drift away, dream, and relax while basking with the extraordinary, sweet, and beautiful scents of love of Beautederm Home.

“Dati, sinasabi ko lang at nangangarap na ‘pag naki­kita ko ang mga commercials niya, balang-araw, magiging baby ko rin si Yanyan. Aba, dreams do come true talaga. Friends, Always believe in yourself, and let God do the rest.”

Samantala, this week pa lang malalaman nina Marian at Dingdong ang gender ng second baby nila. Pero sabi ni Marian, babae man o lalaki ang isisilang niya, tanggap nila ni Dingdong. Saka, kung babae man ang second baby niya, may chance pang magkaroon sila ng baby boy.

Dream ni Marian na magkaroon ng maraming anak at dasal nito, bigyan pa sila ni Dingdong ng maraming babies. Tumawad na nga si Marian. Dati, anim na anak ang gusto niya, ngayon, apat na lang. Handa nitong iwan ang showbiz at mag-concentrate na bilang asawa ni Dingdong at ina ng kanilang mga anak kung kaila­ngan, basta walang kontrata na maaapektuhan.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.