Search
  • BULGAR

Miss Millennial ng Eat… Bulaga! 'BAGONG BABAE' NI ALDEN, DUROG NA NAMAN SA ALDUB NATION

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KAYA pala walang nakaka-love team ang Pambansang Bae na si Alden Richards matapos ang tambalan nila ni Maine Mendoza ay dahil naba-bash kaagad ang mga babaeng dumidikit at nakakapareha ng aktor.

Kung nu’ng nakaraan ay si Janine Gutierrez ang puntirya ng AlDub Nation kaya nag-deactivate ito ng kanyang Twitter account para hindi na mabasa ang hindi magagandang comments sa kanya dahil siya ang leading lady ni Alden Richards sa serye nitong Victor Magtanggol, ngayon, si Miss Millennial (Isabela) Zane Ann Deza Pagel naman ang naba-bash at na-bully dahil sa kanyang IG stories ng video ni Alden Richards habang nagri-rehearsal na may caption na “Bae-by”.

Sey ni Zane sa kanyang sumunod na IG story, “I posted a story with the caption ‘bae-by’ all in good fun and with no bad intentions. I can’t even begin to comprehend why I’m being attacked for something that basically meant nothing.

“Would ask people to watch the video again and tell me what’s wrong with it, but just so bashers; would stop attacking and bullying me, I’d gladly delete the post.”

Wala na yatang makakapalit sa puwesto ni Maine Mendoza sa puso ng AlDub Nation, kahit na may Arjo na si Menggay.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.