Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa birthday... BEBOT NA NAKATAKDANG MAKAHANAP NG MATINONG LALAKI  SA SUSUNOD NA TAONG 2

Maestro Honorio Ong

Dear Maestro,

May plano na sana kaming magpakasal ng boyfriend ko, ang kaso, gumuho ang lahat ng plano at mga pangarap namin nang magkahi­walay kami.

Na-in love kasi siya sa ka-chat niya. Nala­man ko ito nu’ng nakita ko ‘yung message nu’ng babae sa cellphone niya.

Nabasa ko ru’n ang palitan nila ng sweet mes­sages. Tapos, sinu­bu­kan kong i-text ‘yung babae at doon ko na­kum­pirma na girlfriend na pala siya ng boyfriend ko.

Kaya ang ginawa ko, kinompronta ko ang boy­friend ko, pero hindi siya umamin, kahit na bistado ko na siya.

Nakipag-break ako sa kanya dahil sobra akong nasaktan sa gi­nawa niya. Sa nga­yon, sinusu­bukan kong mag-move on at kalimutan ang la­hat.

Nagtataka lang ako kung bakit may mga lalaking manloloko tu­lad ng boyfriend ko, ga­yung naging tapat at ma­buti naman ako sa kanya?

January 3, 1989 ang birthday ko, sa palagay ninyo, Maestro, maka­ha­hanap pa kaya ako ng matinong lalaki na ma­mahalin ako ng pangha­bambuhay?

Umaasa,

Ms. Capricorn ng Soler St., Quiapo, Manila

Dear Ms. Capricorn,

Ganyan talaga ang buhay ng tao, kung min­san may nanloloko at may nagpapaloko o sadyang naloloko talaga. Ang ma­saklap nga lang, doon ka napabilang sa mga taong naloko.

Gayunman, sa edad mong 30 pa lang naman sa kasalukuyan na may birth date na 3 sa des­tiny number na 4 (1+3+1989 =1993/ 19+93=112/ 11+2 =13/ 1+3=4) sa zodiac sign na Capricorn, ito ay nagsa­sabing matapos ang ka­biguan mo sa unang boy­friend at ma­aaring sa ikalawa rin, si­guradong darating ang eksaktong panahon na ma­katatagpo ka rin ng isang tapat at matino na may mabuting puso at hindi ka na lolo­kohin.

At dahil ikaw ay nag­tataglay ng zodiac sign na Capricorn, ganito ang ti­na­tayang magiging ka­palaran mo kung saan kapag sinabi mo sa sarili mo at ipi­nasya mo na magbo-boy­friend kang muli at gusto mo ng makapag-asawa, sigurado namang ka­yang-kaya mo ‘yang ga­win dahil tulad mo na isang Capricorn, ikaw ay nagtataglay ng elemen­tong earth o lupa na na­ngangahulugang may “firm” o “matatag” kang disposisyon sa buhay.

Kaya sa susunod na pag-ibig na posibleng mangyari sa iyo, sa halip na ibigay mo ang iyong buong puso, samahan mo na ito ng utak at ma­ging praktikal ka.

At kapag ganu’n na ang nangyari, tiyak ang magaganap sa puntong ‘yun, makasusungkit ka na ng isang matino, su­wetung-su­weto sa kapa­la­ran mo at ta­mang lalaki na makaka­sama mo ha­bambuhay sa pagbuo ng isang masaya at maunlad na pamilya.

Tandaan lamang na sa susunod na magbo-boy­friend ka, para hindi ka na ulit mabigo, lumuha at maloko pang muli, hu­manap ka ng mga lalaking isinilang sa zodiac signs na Taurus, Virgo, Cancer at kapwa mo Capricorn, higit lalo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27. Sa piling ng nasabing mga lalaki, makasusum­pong ka ng isang tapat at pangha­bam­buhay na pag-ibig.

Ang nasabing pag­taya ayon sa iyong Love Calendar ay kusa ring mangyayari sa susunod na taong 2019 sa edad mong 30 hanggang 31 pataas, hatid ng isang la­laking medyo balingki­nitan ang pangangata­wan at may kayumang­ging kulay ng balat kung saan walang duda, ang lalaki na ngang ito ang makakasama mo, habam­bu­hay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.