Search
  • BULGAR

Lahat ng big stars tulad ni Regine nasa Dos na… BAGONG SHOW NG SIYETE, PURO STARLET ANG BIDA

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

KAHIT may mga detractors na nagsasabing walang malalaking singers at celebrities sa Studio 7, still, mataas ang ratings ng show at marami na ang nanonood tu­wing Linggo. At ang mga Kapuso artists na kasama rito ay hindi nagpapa­apekto, bagkus ay best effort ang ibini­bigay nila sa bagong musical variety show.

May following naman sina Christian Bautista, Mark Bautista at Julie Anne San Jose, ganu’n din sina Kyline Alcantara, Rayver Cruz, Donita Nose at Tekla, ang grand champion ng The Clash na si Golden Cañedo at ang apat na Top Clashers.

Sana, mai-guest din ng Studio 7 sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Manilyn Reynes at iba pang Kapuso singers.

Bakit hindi rin i-guest ang OPM Hit­men na sina Rannie Raymundo, Chad Borja, Renz Verano at Richard Reynoso?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.