top of page

HOROSCOPE | Oktubre 28, 2018 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2018
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 28, 2018 (Linggo): Hindi ka pababayaan ng iyong kapalaran. Ang totoo nga, walang patid ang pag­dating ng mga su­werte mo, pero kumu­kuha pa ito ng malakas na buwelo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Palakihin mo ang munting suwerte na mapasasaiyo. Gawin mo itong tulad ng isang ma­liit na binhi na maaaring maging isang malaking bungangka­hoy na hitik na hitik sa bunga. Ma­suwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-2-19-20-24-39-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magsaya ka kahit may problema ka dahil mas mapagagaan nito ang iyong damda­min. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-29-34-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Lumalakas ang tao kapag na­ka­pagpahinga. Kaya mamahinga ka muna. Huwag mong panghinaya­ngan ang mga nakikita mong magagandang ba­gay. Ang mahalaga ay ang naka­pag­pahinga ka. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-28-31-32-34.

CANCER (June 21- July 22) - Tumu­long ka sa hu­mihingi ng tu­long sa iyo, huwag mo ng unahin ang sarili mo. Sa ganito, hahanga sa iyo ang langit at pagkaka­loo­ban ka niya ng nakama­manghang mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lottto-14-18-26-34-38-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ha­yaan mo lang ang mga kaga­napan sa iyong harapan. Manahimik ka at ipanatag mo ang iyong kalooban. Mahirap mau­nawaan ang gusto ng la­ngit sa kapalaran mo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-10-25-30-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang ipukol sa iyo ng iyong kap­wa, tanggapin mo ito. Ma­gugulat ka dahil mis­mong langit ang magbu­buhos ng malalaking suwerte sa buhay mo na ikamama­mangha ng mga nasa pa­ligid mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-15-21-28-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pagmasdan mo ang lahat ng may pag-ibig sa iyong mga mata. Ito ang sikreto kung paano ga­ganda ang kapalaran ng isang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-17-20-24-31-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hahara­ngin ng langit ang mga hindi magagandang bagay na maaaring mapasaiyo da­hil ang ibibigay niya sa iyo ay ang mga bagay na ika­liligaya mo. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-29-30-34-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituloy mo lang ang gusto mo kahit pa may mga kontrabida sa buhay mo. Noon pa man pag­dating sa huli, ang ka­gustuhan mo ay mas tama kaysa sa kanilang pani­niwala. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-17-21-23-31-32-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mapapa­hiya ang nag­bubuhat ng sariling bangko dahil sila ay ibabalik sa hulihan. Ikaw naman na ayaw ma­ngialam ay bubuhatin ng langit at ilalagay sa una­han. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-16-26-33-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang ang mga ayaw ma­niwala sa iyo, pero kapag dumating na ang naka­tak­dang buwenas mo, hu­wag mo pa rin silang ka­lilimutan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-17-32-36-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang ma­gandang napa­pala ang nag­dududa. Maraming su­wer­te ang masasayang para sa kanya. Magtiwala ka sa iyong sarili upang magtuluy-tuloy ang buwe­nas mo. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-6-10-14-23-32-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page