- Levi Gonzales
Holdaper utas sa parak
PATAY ang isang holdaper habang nakatakas ang kasama nito matapos makaengkuwentro ang mga awtoridad sa Bgy. Aguila, San Jose, Batangas.
Alas-10:35 ng gabi nang ipinarada ng biktimang si Gommer Abrenica, ang kanyang motorsiklo upang hintayin ang kanyang kaibigan nang huminto ang isang motorsiklo sa kanyang harapan.
Bumaba ang angkas nito sabay tutok ng baril at kinuha ang kanyang pera, cellphone at alahas bago nagsitakas.
Eksaktong dumaan ang patrulya ng pulis kung saan humingi siya ng tulong.
Hinabol nila ang mga suspek hanggang sa nagpaputok ang mga ito kaya gumanti ang mga awtoridad.
Dead-on-the-spot ang isa sa mga suspek habang patuloy pang tinutugis ang kasama nito.