Search
  • BULGAR

Noranians, binastos at pinaglaruan daw… NORA: AYAW KONG MAGING NATIONAL ARTIST!

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KAHIT pa ang dami-daming nagpu-push na gawin nang National Artist si Nora Aunor, ayon sa Superstar, hindi niya ninais na makuha ang titulong ito.

Sa kanyang statement nu’ng Thursday (Oct. 25), aniya, kuntento na siya sa respeto na natatanggap mula sa mga Noranians at kanyang mga katrabaho sa industriya.

Aanhin daw niya ang award kung kasunod naman nito ay pagkuwestiyon sa kanyang pagkatao at kakayahan? Kaya aniya, itigil na raw ito.

Ani Nora, “Sapat na po ang respetong natatanggap ko sa mga kasamahan ko sa trabaho. Kung gagamitin lang naman ang National Artist para pagpiyestahan at hamakin ang mga personal kong pagpupunyagi sa buhay – ako na ang nakikiusap na itigil na po natin ang lahat ng ito.”

Dagdag pa niya sa patuloy na pagku­westiyon sa kanyang karapatan na mabigyan ng award, “Hindi ako ang binastos at pinaglaruan nila kung ‘di ang mga Noranians, mga taong nagtitiwala at naniniwala pa rin sa talentong ibinigay ng Diyos sa akin,”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.