HOROSCOPE | Oktubre 27, 2018 (Sabado)
- BULGAR

- Oct 27, 2018
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 27, 2018 (Sabado): Magdaratingan ang mga suwerte sa hindi mo inaasahang pagkakataon, pero may darating din ngayong buwenas na guguhit sa iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Metal ang pinakaepektibong pampasuwerte mo ngayon. Kahit hindi mo ito dalhin sa iyong pupuntahan ay sapat ng masalat ito ng iyong mga kamay bago ka umalis ng inyong bahay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-18-29-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakagugulat at mahirap paniwalaan, pero ang iyong pampabuwenas ngayon ay ang ngiti ng inyong kapitbahay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-15-21-25-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi tao, hindi rin bagay ang iyong pampasuwerte kundi ang mabibilis na pag-aksiyon mo sa mga pagsubok sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-29-31-36-43.
CANCER (June 21- July 22) - Kapag nilambing ka ng iyong karelasyon ngayon, ang mga suwerte ay darating sa iyong harapan at maging ang panalo ay iyo ring matitikman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-21-27-30-32-37-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pasayahin mo ang hindi mo kilala. Magugulat at hindi ka makapaniniwala na ang magagandang kapalaran ay darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-20-34-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaiba ang paraan upang suwertehin ka. Ito ay nagsasabing huwag kang darating sa usapan ng eksakto sa oras, kumbaga, puwede kang maaga o kaya ay medyo magpa-late ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-17-24-33-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magkunwari kang ayaw mo sa bagay na gusto mo dahil ito ang sikreto para mapasaiyo ang gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-28-30-40-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipakita mong matapang ka, hindi sa pamamagitan ng away kundi sa haharapin mong hamon ng iyong kapalaran. Gawin mo ito nang sa gayun ang malalaking pangarap mo ay mapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-21-25-27-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag matigas ang paninindigan mo, hahangaan ka at ang langit ay sasaludo sa iyo. Tatanggap ka ng malalaking suwerte sa buhay dahil napahanga mo ang langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-7-25-30-31-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kalimutan mo na ikaw ay isang taong mahiyain. Sa ganito, mas lalapitan ka ng mga buwenas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-18-23-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng kuwintas o palawit sa katawan. Bakit? Ito mismo ang iyong pinakamalakas na pampabuwenas. Gawin mo ito kahit pa nag-aalinlangan ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-25-30-31-36-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang paraan para suwertehin ka sa araw na ito. Ito ay nagsasabing dalasan mo lang ang pagtingin sa malayo. Gawin mo ito at magugulat ka dahil bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-18-23-27-33.




Comments