DRUMMOND NG PISTONS, UNBEATEN LILLARD, NANGALABAW SA 41 PUNTOS


HUMALIBAS si Damian Lillard ng season-high 41 points, kabilang na ang 19 sa 3rd quarter nang maangkin ng Portland Trail Blazers ang unang panalo sa road trip ngayong season sa bisa ng 128-114 win laban sa Orlando Magic sa NBA game kahapon.
Dumagdag si CJ McCollum ng 22 points para sa Portland habang si Jusuf Nurkic ay may 18 points at 10 rebounds. Nakagawa si Zach Collins ng 17 points.
Tumabo si Nikola Vucevic para sa Orlando ng 24 points at 11 rebounds. Umiskor si Terrence Ross ng 21 points, may 17 si Evan Fournier, si Aaron Gordon ay may 2 puntos sa first half at tumapos na may 17.
Samantala, sa iba pang laro, nakalarga si
ng 26 points at 22 rebounds habang ang host Detroit Pistons ay nanatiling walang talo sa apat na laro sa bisa ng 110-103 victory kontra sa wala pang panalong Cleveland Cavaliers kahapon.
Nasungkit ni Drummond ang ika-22nd career 20-20 game at ikalawa ngayong season. Si Blake Griffin na nakagawa ng career-high 50 points sa overtime win laban sa Philadelphia 76ers noong Martes ay may 26 points at 10 rebounds. May kontribusyon si Reggie Jackson na 16 points habang si Ish Smith ay may 10 para sa Detroit.
Ginitla ng Pistons ang Cleveland, 48-30 upang tapusin ang 20 turnovers. Bumanat sila ng 52.6 percent kumpara sa 46.1 percent ng Cavs at nakagawa ng 11 sa may 28 tres puntos na pagtatangka.
Sa iba pang laro, ang tiebreaking 3 puntos ni Marcus Morris sa nalalabing 28.7 segundo ang nag-angat sa Boston Celtics tungo sa 101-95 win kontra host Oklahoma City Thunder. Ang tirada ni Morris ang bumira para sa 16-1 na paghahabol ng Celtics para sa huling 4:14 minuto.
Ang laro ay pareho sa nakaraang season na laro kontra Oklahoma City, nang trumangko ang Celtics sa 18 sa halftime bago nakapanalo sa 101-94. (MC)





Comments