Search
  • BULGAR

'Di maka-move on sa breakup… EJAY, SUKANG-SUKA PA RIN KAY YAM

Len Ramos Llanes / ISKUP

TILA ‘di maganda ang hiwalayang nangyari kina Ejay Falcon at Yam Concepcion. In an interview kasi ni Vice Ganda with Yam, tinangkang magtanong ng aktres kay Ejay.

Tinawagan ni Vice si Ejay sa telepono at sagot ng aktor, “Akala ko, si Vice lamang ang kakausap sa akin.”

From the way Ejay spoke, tila ‘yung breakup nila ni Yam noon ay hindi naging maayos.

Ilang taon na ‘yun, hindi pa rin siya nakaka-move on?

Anyway, sayang si Ejay, sa Korea ito namamayagpag ngayon samanta­lang comment ng isang fan nito, “Si Ejay lamang ang may exact replica ni Fernando Poe, Jr., sa height, sa pagka­kulot ng buhok at sa tikas.”

Bagay na bagay daw sana itong maging bida sa Ang Probinsyano.

In a sense, we would agree with this fan of Ejay na nag-text sa amin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.