Search
  • Nitz Miralles

Alam na this! DATING SHOW NI REGINE NA PINALITAN NI CARMINA, PANALO SA RATING

SIGURADONG masaya si Car­mina Villaroel nang malamang panalo sa rating ang pilot episode ng Sarap, ‘Di Ba?, ang show na ipinalit ng GMA-7 sa Sarap Diva ni Regine Velasquez.

Mas mataas ang rating ng show na 5.2% sa katapat nito at lalong gaganahan sina Carmina, Mavy at Cassy na pagandahin pa ang Sarap, ‘Di Ba sa tulong ng production staff at ni Director Louie Ignacio.

Parehong si Dolor Guevarra ang manager nina Carmina at Ms. Susan Roces at tiyak na nakarating na kay Carmina ang pagko-congratulate sa kanya ng biyuda ni Da King dahil maganda at masaya ang Sarap, ‘Di Ba? na pinanood ni Ms. Susan.

“Fun. Food. Family” din ang tema ng episode ng Sarap, ‘Di Ba? this Saturday. Guests sina Kyline Alcantara at Andre Paras na lalong magpapasaya sa episode.

Favorite i-guest si Kyline, kaya may mga nai-insecure sa kanya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.