Obama at Clinton pinadalhan ng bomba
- Joy Repol Asis
- Oct 26, 2018
- 1 min read
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Secret Services makaraang padalhan ng mga suspected explosive device sina dating Secretary of State Hillary Clinton at dating U.S. President Barack Obama.
Nadiskubre ang nasabing mga pampasabog nang salain ng mga technician bago ito ipinadala sa mga U.S. official.
Ang nasabing insidente ay naganap dalawang araw matapos padalhan ng pampasabog ang liberal philanthropist at financier na si George Soros sa New York City.





Comments