Lalaking feeling stressed dahil sa babaeng pilit sumisiksik sa kanyang buhay

Dear Roma,
Ako si Hans, 26 years old. Gusto kong humingi ng payo sa iyo tungkol sa sitwasyon ko ngayon. May babae kasing nagtapat ng feelings niya para sa akin. Ipinagtapat ko rin sa kanya na may gusto akong babae, pero hindi siya ‘yun. Akala ko lulubayan na niya ako, pero hanggang ngayon ay pinipilit pa rin niya ang sarili niya sa akin at sinasabi pa niyang nililigawan ko siya. Roma, ano ang dapat kong gawin para maintindihan niya na hindi siya ang gusto ko? Naaawa rin ako sa kanya dahil alam kong nasasaktan siya sa tuwing sinasabi kong hindi siya ang babaeng gusto ko. — Hans
Hans,
Naku, mahirap nga ‘yan. Ang maipapayo namin sa iyo ay subukan mong kausapin siyang muli at ipaliwanag mo sa kanya na hindi siya ang gusto mo. Kung nag-aalala ka dahil baka masaktan siya, ganu’n talaga dahil wala namang nagmahal ang hindi nasaktan. Pero, kung totoong mahal ka niya, hahayaan ka niya kung saan ka masaya. Huwag kang mag-alala dahil darating din ang panahon na mauunawaan ka niya at ang nararamdaman mo. Kaya mo ‘yan, bro. Good luck!





Comments