- BULGAR
Kapag bigtime ang sangkot sa drugs, may 'due process', ‘pag purdoy, bulagta agad tsk-tsk-tsk
KA AMBO / BISTADO
IPINAARESTO ni P-Digong ang Customs Intelligence Chief na si Jimmy Guban na itinuro sa P11bilyong shabu sa magnetic lifters.
Huh, aresto lang?
◘◘◘
BAKIT kapag ordinaryong tao ang sabit sa droga, “natitimbuwang”?
Hindi ba puwedeng “mang-agaw ng baril” ang mga “bigfish”?
◘◘◘
KAPAG mayayaman at bigtime, may “due process” sa drug case.
‘Pag nagdarahop, bulagta agad!
◘◘◘
ANG “due process” sa Konstitusyon ay pangmayaman lang.
Wala kasing pambayad ng abogado, ang mga nagdarahop.
◘◘◘
ANG Konstitusyon ay pangmilyunaryo lang.
Dapat baguhin ang Konstitusyon at ihapay ito na pabor sa mga “nagugutom”.
◘◘◘
MAYORYA ng mamamayan ay nagdarahop.
Ang Kontitusyon ay pinagtitibay ng mayorya, pero hindi pabor sa kanila ang mga probisyon nito.
◘◘◘
MGA mayayaman ang gumagawa ng Konstitusyon kaya pabor ito sa kanilang “hanay”.
Ang problema, pagdating sa plebisito at referendum, ang mayorya ng botante ay nagbebenta ng boto pabor sa mayayaman.
Ayayayay ang buhay!