Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa palad... BINATANG NAKATAKDANG MAKAPAG-ASAWA KUNG PUPUNTA SA LUGAR NA MARAMING BABAE

Maestro Honorio Ong

KATANUNGAN

  1. Ako ay isang tray­sikel driver at sa edad kong 33 ay wala pa rin akong girlfriend. Baga­ma’t, handa na akong bumuo ng pamilya dahil wala naman akong binubuhay na iba ay hindi pa rin dumarating ang babae para sa akin, kaya minsan, naisip ko na paano kung tuman­da na ako at nag­kasakit, sino ang mag-a­alaga sa akin?

  2. Maestro, ano sa palagay ninyo ang na­ka­guhit sa aking mga pa­lad, makapag-aasawa pa kaya ako sa edad kong ito, kahit wala naman akong babaeng nililiga­wan?

KASAGUTAN

  1. Kung wala kang babaeng nililigawan, pa­ano ka makapag-aasawa? Sa madaling salita, man­ligaw ka muna para ma­kapag-asawa ka!

  2. Ganu’n lang ka­simple ang solusyon sa iyong problema kung saan kapag masi­pag namang manli­gaw ang lalaki, tulad ng na­sabi na, dara­ting ang panahong ka­a­awaan siya ng tad­hana at bibig­yan siya ng kara­pat-dapat na babae na makakasama niya sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pa­milya.

  3. Ganito rin ang nais sabihin ng kaisa-isa at magandang Mar­riage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, An­drew, na bagama’t medyo nahuli ang pag­guhit (ar­row a.) ay lumi­naw pa rin ito na nagpa­pahiwatig na sa takdang panahong inilaan ng ka­palaran, kahit na 33 na ang edad mo sa kasalukuyan, may dara­ting pa ring ba­bae sa iyong buhay upang makasama at ma­kapiling mo, habam­buhay.

  4. Basta ang maha­laga tulad ng nasabi na, manligaw ka at pumunta ka sa mga lugar na mara­ming babae na maaari mong magustuhan hang­gang sa tuluyan ka nang ma­kapag-asawa.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Andrew, bago ma­tapos ang taong kasalu­kuyan, sa buwan ng Nob­yembre pinakamatagal na sa Disyembre, isang ba­baeng isinilang sa zodiac sign na Taurus ang iyong makikilala. Habang luma­lapit ang panahon ng ka­paskuhan, mabubuo ang isang matimyas at wagas na pagmamahalan na hahantong din sa isang maligaya at pangha­bam­buhay na pagpapamilya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.