- Pabs Hernandez III
Wanted na bebot timbog
BATANGAS—Isang wanted na babae ang dinakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Sampaloc, Talisay sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Genelyn Codilla, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Codilla sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong child abuse sa naturang lalawigan.
Kusang sumama ang suspek nang dakpin ito ng mga awtoridad sa kanilang lugar.
0 comments