Search
  • Clyde Mariano / ATD

FUELS, ASINTA ANG 3RD Q’FINALS BEERMEN, MAGPAPAKATATAG PA


PUNTIRYA ng Phoenix Fuel Masters ang pangatlong quarterfinal seat kontra Rain or Shine Elasto Painters at target ng San Miguel Beermen na patatagin ang kanilang kampanya laban sa nasibak nang North Port sa Governor’s Cup ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Haharapin ng Fuel Masters ang Elasto Painters sa unang laro ng 4:30 p.m. at sasagupain ng Beermen ang Batang Pier ng 7 p.m. Dahil ang laro sa RoS ay magdadala sa kanila sa quarterfinals, iniutos ni coach Louie Alas na pag-igihan at gawin ang lahat para masiguro ang panalo at mawala ang agam-agam. “This game is very important to us. We have to win the game at all cost. I reminded my players to play their best out there to ensure victory,” sabi ni Alas.

Dahil malaki ang papel na gagampanan ng import, inaasahang pangungunahan ni Eugene Phelps ang opensiba ng Fuels katuwang sina Matthew Wright, RJ Jazul, Douglas Kramer, William Wilson, Cyrus Baguio, JC Intal at Gelo Alolino.

Bukod sa opensiba hahadlangan niya si Terrence Watson na hindi makaiskor sa personal duel sa loob ng 48 minuto kung saan muli siyang bibigyan ng mahabang playing time ni coach Alas.

Hawak ng Fuels ang kartadang 6-3 at kailangan ng isa pang panalo at pumasok sa quarterfinals para makasalo sa Magnolia Hotshots at co-leader Barangay Ginebra na hawak ang kartadang 7-2 cards habang nasa ibaba ang Alaska Aces at Blackwater Elite na parehong may record na 6-2.

Pinapaboran ang SMB kontra NorthPort na mababa ang morale dahil eliminated na sila at gagampanan ang papel bilang spoiler na kailangang iwasan ni coach Leo Austria. Sasandal si Austria kina import Kevin Murphy katuwang ang kanyang local top gunners na sina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Arwind Santos, Brian Heruela at 2017 Commissioner’s Cup Best Player of the Conference Chris Ross.

Papasok ang SMB na mataas ang morale sa panalo nila sa mortal na karibal na Talk ‘N Text, 104-96 noong Okt. 20 sa Calasiao, Pangasinan. Hawak ng SMB ang kartadang 4-4 at kailangang panalunin ang tatlong natitirang laro para makapasok sa quarterfinals.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.