After 20 yrs. napakinabangan, Dos daw ang No. 1 station… KAPUSO STARS, TAMEME SA MGA HIRIT NI REGINE
- BULGAR

- Oct 24, 2018
- 1 min read

KUNG gaano kainit ang pagtanggap kay Regine Velasquez ng mga dinatnan niyang Kapamilya stars, especially ang mga bumubuo sa A.S.A.P., minabuti naman ng mga Kapuso artists na dati niyang katrabaho sa Siyete na manahimik na lang at huwag nang mag-comment sa mga deklarasyong binitiwan ng Asia’s Songbird patungkol sa GMA-7.
Super bina-bash ngayon si Regine sa kawalan niya ng utang na loob sa network na 20 years din naman niyang pinakinabangan at pinagkakitaan dahil sa hirit niyang ABS-CBN ang No. 1 TV station.
Reynang-reyna rin naman ang trato ng GMA Network sa Asia’s Songbird. Kung ano ang gusto niyang show ay ibinibigay sa kanya. Hindi naman nabakante at nawalan ng show si Regine sa Kapuso Network. May sarili siyang trono sa Siyete, kahit walang titulong tulad ng Primetime Queen na si Marian Rivera.
Nagho-host siya ng talent search show. May sarili rin siyang cooking show. Umayaw naman siya sa rom-com serye.
Naitanong nga namin noong presscon ng The Clash kung kailan ba siya uli gagawa ng rom-com serye, pero “Hindi muna, pahinga muna ako,” ang natatandaan naming sagot ni Songbird.
Pati raw pelikula, ayaw muna niyang tumanggap. Pero, nabago na ang lahat nang lumipat siya sa Dos.





Comments