top of page

2 years na Cong. ng Makati… HIRIT NI MAYOR BINAY: MONSOUR, WALANG KUWENTA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 24, 2018
  • 2 min read

DATING kapartido ni Makati Mayor Abby Binay si Representative Monsour del Rosario, pero early this year nga ay lumipat na ang action star-turned politician sa partido ni President Rodrigo Duterte.

Sa tsikahan with the entertainment press kahapon ay natanong nga ang mayora kung ano ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Monsour at diretsong pahayag niya, hindi raw kasi nagagam­panan ng kongresista ang trabaho.

“Monsour and I had a falling out early this year. Dati pa. I felt that he wasn’t working. He was really more focused on his taekwondo, ‘yung Olympics, whatever, na parang hindi siya nararamdaman sa district, so nagkaroon kami ng desisyon na maghiwalay,” paliwanag ni Mayor Abby.

Dagdag pa niya, “For 2 years, wala talaga siyang ginagawa, pasensiya na. Hindi siya nalalapitan ng tao, hindi siya napupuntahan, hindi siya nagpaparamdam.”

Nawala na rin sa partido niya si Councilor Rico J. Puno at lumipat naman sa grupo ng kanyang kapatid na si Junjun Binay na tatakbong mayor ng Makati sa 2019 elections at lalabanan siya.

“Si Rico J. naman, unfortunately, he has been very, very sick and he has decided to go with the 13 other councilors who left me. Pero kasi si Rico J, he was supposed to run under my ticket for councilor. Ako, ang sinasabi ko parati, ‘Rico, magpagaling ka,’ kasi grabe ang abuso sa katawan,” sabi ni Mayor Abby.

Dagdag pa niya, “If I’m not mistaken, last month, he was in the hospital emergency room more than 4 times. I don’t know how he can still campaign. I wish him the best. I’m hopeful that he prioritizes his health more than anything else. Kasi ‘yung trabaho, aanhin mo ‘yung trabaho kung hindi ka makapagtrabaho?”

Sa mga councilors niya, sobrang na-touched si Mayor Abby kay Jhong Hilario na talagang nag-stay sa kanya at hindi siya iniwan.

“Si Jhong, talagang hindi ko kayang pasalamatan nang sapat ‘yung loyalty ni Jhong, ‘yung loyalty ng pamilya niya, ‘yung loyalty ng tatay niya. Siya ‘yung isa sa mga natitirang konsehal na siguro, hanggang sa tumanda ako, hanggang tumanda ang anak ko, hindi namin makakalimutan ‘yung pagtayo ni Jhong sa akin.

“Kaya mahal na mahal ko si Jhong, mahal na mahal ko ang pamilya ng buong Hilario dahil talagang hindi siya bumitaw. Sa dami ng pangungulit, pagpe-pressure, ngayon lang kami nagkasama ni Jhong. Kasi ‘yung dating councilor, ‘yung tatay niya. Iba ‘yung pinagsamahan at samahan namin ni Jhong Hilario,” pahayag ng anak ni dating Vice-President Jejomar Binay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page