Search
  • BULGAR

‘Di kinaya ang hiwalayan nila ng mister… KUH, KUMANTANG IPINADOKTOR ANG ANAK DAHIL SA DEPRESSION

Julie Bonifacio / WINNER!

HUMATAW sa stage ang solong anak ni Kuh Ledesma na si Isabella Gonzalez sa concert nila ni Christian Bautista sa The Tent ng Solaire Resort and Casino last Saturday.

Ipinasa ni Kuh ang microphone kay Isabella para kantahin ang isa sa mga hit songs ni Barbra Streisand na Don’t Rain On My Parade from the movie Funny Girl.

Admittedly, sabi ni Kuh, mas maganda ‘yung version ni Isabella sa song ni Streisand more than her.

In fairness, napakahusay and very energetic ang pagkakakanta ni Isabella ng song ni Barang. Kaya naman umaatikabong palakpakan ang ibinigay sa kanya ng audience. Proud na proud naman siyempre si Kuh for her daughter. At ikinuwento na niya na ‘di biro ang pinagdaanan ng anak nang magkaroon ng depression.

Ayon kay Kuh, sobrang naapek­tuhan si Isabella ng paghihiwalay nila ng ex-husband niyang si Louie Gonzalez (President Elpidio Quirino’s grandson). Ipinagamot niya si Isabella at series of therapy sessions ang pinagdaanan nito.

Higit sa mga gamot at therapy sessions, ang Diyos daw ang nagpagaling completely kay Isabella. And she’s never been better since then.

Pero, ang ikinagulat ng audience sa concert nila sa The Tent ng Solaire titled Kuh Ledesma, Christian Bautista Sing Streisand, Groban and Legrand ay nu’ng IRETO ni Kuh si Isabella kay Christian.

Tila nakalimot si Kuh na engaged na si Christian sa girlfriend niyang si Katrina Ramnani. Pero, bigla ring natauhan si Kuh at nagtanong kay Christian kung meron pa itong kapatid na lalaki.

Bigla ring nag-voice over si Isabella at sinabing classmate and friend niya ang fiancée ni Christian.

Sobrang humanga kasi si Kuh sa magandang pag-uugali at talent ni Christian. So, she hoped na ganitong uri ng lalaki ang mapangasawa ng kanyang unica hija.

Understandable naman kasi baka afraid si Kuh na matulad ang kanyang anak sa sinapit niya on her married life. Kaya si Kuh, kahit sobrang sexy niya ngayon, ‘di na siya interesadong pumasok ulit sa isang relasyon.

“Two weeks ako na puro salad without dressing. Para lang akong kambing. But, it’s worth it. Kita n’yo naman (proud na ipinakita ang kanyang ‘curvalicious’ na katawan), alone pa ‘yan, huh?” sey ni Kuh.

Sulit na sulit naman ang audience sa panonood kina Kuh at Christian sa concert. Hindi nagkamali ang Solaire to have them as the initial performers para sa bagong bukas na concert venue nila sa hotel.

Umaapaw ang sophistication, elegance and presence ni Kuh on stage. While si Christian, pang-world-class talaga ang boses. Unlike other local male singers na nagpapaka-diva na tipong nagpapakatining ng boses at mahilig bumirit, si Christian, ‘di na kailangang gawin ‘yun because of the uniqueness of his voice.

‘Yun na!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.