Search
  • Pabs Hernandez III

Lasing nalunod sa ilog

LA UNION—Isang lasing ang namatay nang malunod habang naliligo sa ilog na sakop ng bayan ng Naguillan sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Alex Marcos, residente ng Bgy. Poblacion, Sablan, Benguet.

Ayon sa ulat, habang naliligo ay napagawi sa malalim na bahagi ng Ribsuan River si Marcos kaya ito nalunod.

Agad sumaklolo ang mga residente, pero bangkay na nang maiahon sa ilog ang biktima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.