- Pabs Hernandez III
Bigtime pusher nasakote
QUEZON—Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Malabanban Sur, Candelaria sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Isagani Bayan, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 4 na gramo ng shabu sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Bayan na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.
0 comments