- Pabs Hernandez III
Pusher nanlaban napatay
CEBU—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Cambaro, Mandaue City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Rodrick Garro, nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng mga awtoridad si Garro sa buy-bust operation, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang pulisya.
Agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.
0 comments