Matagal nagkulong sa kuwarto… JANNO, NA-DEPRESSED SA PAGKALAOS AT SA HIWALAYAN NILA NI BING


BUBUHAYING muli ng Viva Artists Agency ang singing career ni Janno Gibbs matapos niyang pumirma ng kontrata at magbalik sa dati niyang home base.
This time, maraming kaibigan at fans ni Janno ang nagwi-wish na sana nga ay seryosohin na ng actor-singer ang kanyang career. And hopefully, tuluyan na itong maka-recover sa pinagdaanang matinding depression, na nag-ugat daw sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Bing Loyzaga at mga disappointments sa nangyari sa kanyang singing career.
Mismong ang tatay niyang si Ronaldo Valdez ang tumulong upang makaalpas sa depression si Janno.
Sa panahong ‘yun na depressed si Janno, napabayaan niya ang kanyang career. Wala na itong ginawa kundi magkulong sa kuwarto at matulog. Hindi na niya inisip pa ang kanyang career. Kaya hinayang na hinayang ang mga taong nagmamalasakit sa kanya.
Magaling kumanta at mag-perform si Janno. Napag-iwanan na nga lang ito ng ilang baguhang male singers. Pero, dumating naman sa punto ng kanyang buhay na na-realize niya na kailangan na niyang ilagay sa ayos at tamang direksiyon ang kanyang buhay. At dito, suportado siya ng Viva.





Comments