- No Problem
Make sure your shoes have an arch, wear socks, avoid flats etc...IBA’T IBANG PARAAN UPANG MAKAIWAS S

SUMASAKIT na ba ang mga sakong at talampakan dahil sa paglalakad at pagsusuot mo ng mga sapatos na maganda nga, pero tiis-ganda ka naman? No problem, beshy! Heto ang ilang tips sa inyo na makatutulong para no more aray na kayo sa sakit ng inyong mga paa!
1. AVOID FLATS. Ayon kay Dr. Shikoff, isang foot doctor, sinabi niyang karamihan sa atin ay dapat na mas pinipili ang tsinelas o sapatos na komportable sa ating mga paa. Huwag ‘yung maganda nga at maraming style, pero masakit naman sa mga paa.
2. MAKE SURE YOUR SHOES HAVE AN ARCH. Karamihan sa hugis ng ating mga talampakan ay may arko o pa-curve, kaya kung kabilang ka rito, beshy, mainam na ang bilhin o isuot mong sapatos ay ‘yung may natural na hugis na babagay sa inyong mga paa.
3. WEAR SOCKS. Kung magsusuot naman ng sapatos, ipinapayo ng mga eksperto na magsuot ng medyas para hindi bumaho ang mga paa at maprotektahan nito ang talampakan nang sa gayun, hindi tayo magkaroon ng kalyo.
4. GET SHOES THAT ARE DESIGNED FOR WHAT YOU’RE DOING. Magandang magsuot ng sapin sa mga paa na naaangkop sa aktibidad na gagawin tulad ng sports, pagtakbo, pagpunta sa mga okasyong kinakailangang magsuot ng sapatos o sandals na may heels at marami pang iba.
5. LOVE YOUR CURRENT SHOES, LIMIT YOUR TIME STANDING OR WALKING. Kahit napamahal at nakasanayan mo nang isuot ang isang pares ng sapatos, mainam pa rin na ipinapahinga mo ang iyong mga paa.
Kaya, limitahan mo ang paglalakad at pagtayo.
Ayos ba, mga beshy? Try na this para iwas-kalyo na, feeling comfortable pa habang suot ang paborito nating footwear saanman tayo pupunta.
Happy feet!