Kelot sinaksak ng kaalitan
Pabs Hernandez III
Oct 22, 2018
1 min read
SOUTH COTABATO—Isang lalaki ang sugatan nang saksakin sa likod ng kanyang kaalitan, kamakalawa sa Bgy. Palkan, Polomolok sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Jener Cerdeña, samantalang, ang suspek ay si Julito Maloloy-on, kapwa residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, naglalakad si Cerdeña nang saksakin ito sa likod ng suspek.
Ginagamot na si Cerdeña sa ospital, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.





Comments